IBA’T ibang trabaho sa Pilipinas at ibang bansa ang naghihintay sa mga Pinoy ngayong 2024.
Ayon sa Department of Migrant Workers (DMW), ilang bansa, kabilang ang Hungary, Austria, Croatia, Czech Republic, Germany, at Canada ang naghahanap ng mga empleyado upang punan ang vacancies para sa healthcare workers, construction workers, drivers, at tourism workers.
Gayunman ay pinag-iingat ng ahensiya ang mga gustong mag-aplay.
“Unang-unang po ay mag-ingat po tayo. Ang impormasyon po ay puwede po makuha sa DMW website. Makikita ninyo po ang totoong number ng agencies, sino ang agencies na may job order,” sabi ni DMW Undersecretary Yvonne Caunan.
Samantala, ang job opportunities sa Pilipinas ay kinabibilangan ng mga nasa information technology sector, construction, hotel and tourism, education, creatives, at health and wellness.
Ang iba pang industriya na may employment opportunities ay ang manufacturing at power and energy sectors.
Samantala, hinimok ni Go Negosyo founder Joey Concepcion ang mga Pinoy na magsimula ng maliit na negosyo para madagdagan ang kanilang kita. Binanggit niya ang online selling bilang isa sa mga halimbawa.
“‘Yung sari-sari stores at retail shops. Talagang maliit na negosyo. Mahalaga dito ay ‘yung pagtutulong sa mga malalaking corporation to give them access sa mga ibinebenta nila,” ani Concepcion.
“Tinuturuan natin sila to become influencer. Sa isang negosyo, kailangan marunong sila sa marketing,” dagdag pa niya.