BUKBOK AT PRESYO NG BIGAS HIHIMAYIN NG KAMARA

NFA RICE

IRARATSADA ng Kamara sa pagbabalik sesyon ang imbestigasyon sa problema sa bukbok sa bigas.

Sa pagsisiyasat ng House Committee on Agriculture, ipatatawag nito ang mga opisyal ng Department of Agriculture at National Food Authority kaugnay sa hindi matapos-tapos na problema sa bigas.

Ayon kay House Committee on Agriculture Chairman Jose Panganiban, sumulat na ang kanyang komite sa DA at NFA para pagpaliwanagin kung bakit binukbok ang malaking volume ng imported rice at kung bakit tumaas hanggang P70 per kilo ang bigas sa ilang lugar sa Mindanao.

Hindi rin katanggap-tanggap ang pahayag ng NFA na puwede pang ipamahagi o ibenta ang binukbok na bigas sa Subic mata-pos itong ma-i-fumigate.

Aniya, maituturing na iresponsable ang pahayag na ito lalo kung wala pang sertipikasyon kung fit for human consumption ang binukbok na bigas.

Gayundin, pinawi ni Panganiban ang pangamba ng mga magsasaka kaugnay sa rice tarrification.

Aniya, panalo ang lahat dito dahil ang P20 bilyon na kikitain sa taripa sa imported rice ay ibubuhos sa subsidiya sa sektor ng mga magsasaka. CONDE BATAC

Comments are closed.