NAGLAAN ang provincial government ng Bukidnon ng PHP395,592 para sa supply at delivery ng hybrid corn seeds at abono bilang isang subsidiya para sa proyekto ng mga maliliit na magsasaka ng mais.
Sa isang liham sa Provincial Board noong Hunyo 4, hiniling ni Gov. Jose Ma. R. Zubiri Jr. ang awtoridad para siya ay maka-pasok sa isang kontrata kasama ang mananalong bidder, ang Asian Hybrid Seeds Technologies, Inc. Binigyan ng provincial law-makers si Zubiri ng awtoridad nang sumunod na linggo, Hunyo 11.
Naunang sinabi ni Zubiri na ang mga benepisyaryo ng proyekto ay ang indigent farmers na kanya-kanyang nag-aalaga ng wala pang isang ektarya ng corn field.
Sinabi niya na ang mga benepisyaryo ay natukoy na mula sa 20 bayan ng probinsiya at dalawang siyudad, at ang bawat isa sa kanila ay bibigyan ng 9 kilos ng hybrid corn seeds at apat na sakong abono.
Sinabi ni Hansel Echavez, administrative officer ng Capitol’s Public Affairs and Information Assistance, na walang petsang itinakda para sa pamamahagi ng subsidiya. PNA
Comments are closed.