BUKIDNON- NIYANIG ng magnitude 4.2 na lindol ang lalawigan nitong Huwebes ng gabi, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS).
Ang naturang pagyanig ng lupa ay naramdaman bandang alas-9:46 ng gabi at sinasabing tectonic ang naging pinagmulan.
Natukoy ang epicenter nito sa layong 20kilometers northwest sa lungsod ng Lantapan, Bukidnon.
Ayon sa Phivolcs, hindi ito magdudulot ng pinsala sa mga kabahayan at ari-arian at wala na ring inaasahang aftershocks.
Samantala, naramdaman ang intensity 3 sa Lantapan, Libona atv Talakag Bukidnoon habang intensity 2 naman ang naramdaman sa mga bayan ng Baungon, Cabangalasan, impasug-ong,
Kalilangan, Lungsod ng Malaybalay, Manolo Fortich, Maramag, Pangantucan, Quezon, Sumilao Bukidnon at Lungsod ng Valencia at Cagayan de Oro City.
Kaugnay nito, naramdaman naman ang Intensity 1 ng lungsod ng Kadingilan at San Fernando, Bukidnon.
EVELYN GARCIA