PORMAL nang binuksan sa 5th Level ng SM The Block ang unang negosyong Barbero Blues na pinagsososyohan ng reel and real life sweethearts na sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla. Pagkatapos ng opening ay dinudumog na araw-araw ng customers. Well, very affordable raw kasi ang magpagupit dito at maganda ang kanilang service at malilinis ang mga barbero.
Excited na ang KathNiel sa first venture nilang dalawa na personal na inaasikaso ni Daniel. Si Daniel ang nakaisip ng pangalan ng shop na Barbero Blues at siya rin ang namili ng nababagay na design sa shop, pati ang logo at pagpili sa mga barbero.
Noon pa man ay sinasabi na ni Daniel na gusto rin niyang mag-invest sa negosyo kasama si Kathryn. At hindi lang ito ang naiisip nilang partnership. Nakikita niya kasing maganda ang Kathnails ni Kathryn, kaya itinuloy na nila itong barber shop na malapit sa nail shop ng aktres.
‘THE ANNULMENT’ MOST DARING MOVIE NI LOVI POE
PINAG-UUSAPAN ang uncut trailer nina Lovi Poe at Joem Bascon sa “The Annulment” na sobrang daring ni Lovi sa sandamakmak na intimate scenes lalo na sa shower scene nila ni Joem kung saan nag-breakdown daw ang leading man sa nasabing eksena pero nagawa naman nila ng maayos.
Ito ang siyang ini-reveal ni Lovi sa grand mediacon ng kanilang movie na nakatakdang ipalabas sa maraming sinehan sa buong bansa. Nang tanungin ang actress, tungkol sa annulment kung gagawin ba niya ito sakaling hindi na sila magkasundo ng lalaking pakakasalan in the future? “Definitely try to save it, of course, do my best to save the relationship. I can’t say this earlier but when we enter relationship or commit ourselves to someone, we really do not want to end badly. We want to work things out. So hangga’t kayang ipaglaban, ipaglalaban, pero siyempre there are things that you can’t fix,” pahayag pa ni Lovi sa panayam.
Sa ngayon at her age (30) ay hindi pa rin naiisip ni Lovi ang kasal kung sakaling may karelasyon siya dahil katuwiran niya ay hindi ito ang sagot o dahil pressured siya kaya kailangan niyang magpakasal. Kapag nakilala na ng dalaga ang tamang tao para sa kanya, saka niya iisipin ito. And would you believe okey lang daw siyang magpakasal sa edad na 50 sa tamang lalaki kaysa magpakasal sa bata na sa maling tao.
Napaka-interesting nang kuwento ng The Annulment at siguradong maraming makare-relate sa pelikulang ito .
MAS PINALAKING PAPREMYO SA SWITCHING NG SUGOD BAHAY AT PRIZES ALL THE WAY
ANG Juan For All, All For Juan ay napunta na sa Barangay APT sa Marcos Highway at ang Prizes All The Way na dating nasa APT Studio ay mapanonood na sa iba’t ibang Barangay sa loob at labas ng Mega Manila kung saan susugod sina Dabarkads Ruby Rodriguez, Pia Guanio, Ryan Agoncillo at iba pa para roon ipagkaloob ang iba’t ibang papremyo na puwedeng mapasakamay ng sinuman na makapagbubukas ng susi nito. Ang saya ng nangyari sa switching ng dalawang segments at mas marami ang magiging masaya dahil mas lalong pinalaki ang papremyo.
Sina dabarkads Anna Marie ng Sta. Mesa at Nanay Teresita ng Caloocan ang dalawa sa buena manong nabigyan ng sangkaterbang prizes sa Juan For All, All For Juan sa Barangay APT. Kaya maghanda na at baka kayo na ang susunod na magiging winners sa Brgy. APT at Prizes All The Way!
Comments are closed.