GLYDEL MERCADO NAGPATAYO NG SARILING SALON SA CAVITE

ILANG years nang nag-o-operate ang franchise na Reyes Haircutters ng showbiz entra eksenacouple na sina Glydel Mercado at Tonton Gutierrez. Ayon kay Glydel,  mabilis nilang nakuha ang kanilang return on investment (ROI) sa negosyong ito kaya, ang malaking parte  ng kinikita araw-araw ng parlor ay diretso sa kanilang savings at pang-suweldo sa staff.

Last September 2017, itinayo naman ni Glydel ang kanyang sariling beauty shop na Industria Salon and Spa sa Cavite Road, Dalahican, Ca­vite City na kamakailan lamang ay nag-celebrate sila ng kanilang first anniversary.

Ang maganda sa mag-asawang Glydel and Ton ay pareho silang masinop sa pera kaya’t maliban sa maayos na buhay ay naiibigay nila sa mga anak ang mapag-aral ang mga ito sa magandang eskuwelahan. Hindi rin nawawalan ng proyekto ang nasabing couple.

DENNIS, MATTEO AT JERALD SWAK ANG MGA CHARACTER SA MINA-ANUD

SA RECENT mediacon ng Mina-Anud ay excited ang cast sa pa­ngunguna ni Dennis MINA-ANUDTrillo at Jerald Napoles na maipalabas sila sa dara­ting na Sabado, Agosto 10 sa Cinemalaya Film Festival 2019, bilang closing film at sa cinemas nationwide sa August 21.

Inihayag ni Dennis na sobra siyang proud sa proyektong ito at nakagawa siya ng hindi lang quality film kundi makabuluhang pelikula.  Ang Mina-Anud ay nanalo sa Basecamp Colour Prize sa Singapore’s Southeast Asia Film Financing (SAFF) Forum noong 2017. Excited sina Dennis Trillo, Jerald Napoles at Matteo Guidicelli na maipalabas ang movie dahil true story ito.

Nangyari ang kuwento noong 2009 sa Eastern Samar kung saan natagpuan nilang inaanod ang mga bag na may lamang droga (cocaine). Gagam­panan ni Dennis ang karakter ni Ding, unofficial leader ng Boro­ngan Surfers, family man, part-time van driver, at childhood friend ni Carlo (Jerald Napoles). Si Je­rald naman bilang si Carlo ang pinakamahusay na surfer sa nasabing lugar at planong sumali sa international surfing contest at kapag nanalo ay pakakasalan na niya ang kanyang banyagang girlfriend. Dahil parehong mahirap, nang makakita sila ng droga ay natukso silang ibenta ito sa halip na isuko sa mga awtoridad.

Sabi ni Dennis, “Gusto kong gumawa ng ganitong film, totoo, matapang, para ito sa mga taong naghahanap ng iba, ‘yung mga hinahanap nila sa online (Netflix), kaya natin ibigay, sana panoorin nila sa big screen.

“Ito ang mga pelikulang masarap panoorin sa sinehan dahil sa maganda ang quality, maganda ang story, masayang panoorin kasama ng barkada. Mas maa-apreciate mo at malaking pelikula ito.”

Dumaan sa audition si Jerald para makuha ang role na Carlo. “Nag-audition ako rito, maraming nag-audition because the story is inspired by true events. Nabanggit na sa ‘kin ito noon ni Direk Kerwin, tapos biglang gagawin na pala talaga ni Regal and Epicmedia.

“Hindi ako nagdalawang isip na mag-audition para makuha ang role. Hanggang ngayon may mga kaibigan ako sa industriya na nagsasabing, hoy, gusto kong gumawa ng ganyang film. Siyempre ginali­ngan namin lahat dito para maikuwento nang maganda.  Totoong istorya na dapat makita ng mga tao sa sinehan,” pahayag naman ni Jerald.

Gaganap naman bilang Paul si Matteo, isang aspiring celebrity at TV show host na nagsu-supply ng party drugs sa showbiz circles. “I’m so happy to be part of the film. The Filipinos deserve to see this film. Sana they give us a chance to entertain them and inform them at the same time. I am thankful na makapagbigay kami ng ganitong klaseng kuwento,” lahad ni Matteo.

Comments are closed.