(Bukod sa free legal assistance) P500-M PARA SA MGA SUSUKONG REBELDENG NPA

pera

CAMP AGUINALDO – SERYOSO ang Pa­ngulong Rodrigo Roa Duterte na mawakasan ang suliranin sa communist rebellion kaya naglaan ito ng P500 million para sa Task Force Balik Loob bukod pa sa alok na free legal assistance para sa mga mag-sisibabang rebelde at sasamantalahin ang E-Clip program ng pamahalaan.

Ayon kay DND  USEC Reynaldo Mapagu, ng Civil, Veterans, and retirees Affair at itinalagang Chairman ng Task Force Balik-Loob nakahanda silang magkaloob ng legal assistantance sa mga na­ngangambang New peoples Army na may kinakaharap na pending cases.

Nabatid na nakipag ugnayan ang Task Force Balik Loob kay Public Attorney’s Office chief Dr. Resida Rueda Acosta at ani Mapagu “they just come down if you want. We will help them on coming down sabi ko nga even even if they have pending warrants or pending cases.”

Sa ginawnag lunching ng “Balik –Loob; Balik-Pamilya:Paskong Kay Saya “Christmas Campaign” na naglalayong manawagan at hikayatin ang mga rebeldeng nanatiling nasa mga kabundukan na magbalik loob sa pamahalaan at lipunan upang makapamuhay ng malaya at mapayapa ay inilahad ni Mapagu na ito ang tamang panahon para makamtan ang mga biya­yang inilaan ng gobyerno sa ilalim ng Enhanced Comprehensive Local Government (E-CLIP) at muling makasama ang kanilang mga pamilya.

Kinumpirma ni Mapagu na umaabot sa halos kahalating bilyong piso ang inilaan ng pamahalaan sa pangangasiwa ng Department of Interiors and Local Government para sa E-CLIP program.

Hiwalay ito sa pondong inilaan ng gobyerno sa ilalim ng Pamana Program na nasa pangangasiwa naman  ng Office of the Presidential Adviser on Peace process na napa-ulat na nabahiran ng anomalya at sinasabing dahilan sa pagsibak sa dalawang opisyal nito kamakailan na naging dahilan naman para kusang magbitiw si Sec. Jesus Dureza dahil sa delicadeza at command responsibility.

Ayon naman kay Retired Gen Cardozo Luna, kasalukuyang USEC for National Defense, panahon na para wakasan ang 50 taong kabaliwan ng Communist Party of the Philippine-New Peoples Army.

“Kaya  nga ang stand ng DND  sa pangunguna ng ating mahal na kalihim delfin Lorenzana, hindi na natin sasagutan o tutugunan ng ceasefire ang ceasefire ng CPP-NPA  ngayong kapaskuhan sapagkat bale wala ang kanilang pagdedeklara ng ceasefire, sapagkat hindi naman siYA  sinusunod ng mga tauhan nila sa baba, kaya  sabi ko nga si joma at ang kanyang kasamahan ay napagpangap na lamang na silay mga pinununo”

“Actually ang organisasyon ng CPP-NPA ay parang manok na walang ulo, sila ay lost command na, ang sabihin ng lost command isang organisasyon na armado na walang pamunuan, na walang sinusunod, kanya kanya na lamang ito, kaya ito ay nakita ng ating pa­ngulo kaya ang kanyang solusyon ay local peace talks…sila ang malaking dahilan kumbakit hindi nagiging maunlad ang ating kanayunan, paliwanag ni USEC Luna. VERLIN RUIZ

Comments are closed.