BULACAN AIRPORT… MALAPIT NA!

edwin eusebio

Nakalulugod at lubhang nakatutuwa…

Proyektong Paliparan sa Bulakan, Lalawigan kong Dakila.

Pag-unlad na labis na hindi Inaakala

Mga Bulakenyo ay sadya nga yata na Pinagpapala!

 

Sa dinami-dami ng mga Probinsiya sa Luzon,

Sa Bulakan ilalatag Paliparan ng Modernong Panahon.

Positibong epekto nito ay kaunlaran at pagsulong,

Kabuhayan, hanapbuhay sa Metro Luzon Urban Beltway Super Region.

 

Kaya nga abot-abot ang pasasalamat ng aking mga kalalawigan,

Sa Inisyatibo ng Pangulong Duterte at SMB President/COO Ramon Ang!

Proyektong ito ay muling tatatak sa kasaysayan…

Ang dating Parang na naging sentro noon ng Digmaan…

Magbabagong Mukha na at magiging Paliparan!

 

Bukod pa rito ang inaasahang dagdag na benepisyo

Milyon na bilang ng mga malilikhang Trabaho.

Makatutulong itong direkta at garantisado

Sa karagdang kita sa mga SME at iba pang Negosyo.

 

Popondohan ang Makabagong Paliparan

Labing Limang Bilyon na Dolyares lang Naman….

Layon ay mapadali ang biyahe pangkalahatan,

Magpapaluwag din sa NAIA na ngayon ay siksikan.

 

Masisimulan na ang konstruksiyon ng Bulacan Aiport

Bago matapos ang taon na ito, konstruksiyon ay kikilos

Kaya naman pag-asa ng marami ay lubos…

Naghihintay sa bagong trabaho na sa Bulacan ay Bubuhos.



(Si Edwin Eusebio ay araw-araw na naririnig sa DWIZ 882 am Radio)

Comments are closed.