BULACAN AIRPORT PROJECT SUPORTADO

SEN BONG GO-2

SUPORTADO ni Senador Bong Go ang pagtatayo ng bagong Manila International Airport project sa lalawigan ng Bulac-an subalit panawagan niya sa proponents na siguraduhing  susunod sa labor, environmental at iba pang applicable laws, gayundin sa rules at regulations nito.

Ayon kay Go, ang konstruksiyon ng  bagong paliparan ay magbibigay ng mas maraming trabaho at makatutulong  sa economic opportunities sa labas ng Metro Manila, partikular sa mga nawalan ng hanapbuhay dahil sa COVID-19 pandemic.

Sinabi ni Go na bukod sa economic opportunities, malaking tulong din ang paliparan para mabawasan ang masikip na daloy ng trapiko sa Metro Manila na matagal nang inaasam na masolusyunan.

Dagdag pa ni Go, magandang halimbawa ang construction  sa isinusulong  ng  administrasyon  na distribusyon ng economic opportunities sa labas ng metropolis.

Iginiit niya na makikinabang  ang Bulacan at mga karatig lalawigan nito sa Central Luzon region, hindi lang sa naturang proyekto kundi sa iba pa sa ilalim ng ‘Build Build Build’ program ng  Duterte administration.

Ilan lamang sa proyekto sa rehiyon ang Arterial Road Bypass Project-Phase 2 na pinasinayaan noong  2018 na nagdurugtong sa NLEX sa Balagtas, Bulacan, na mas kilala sa tawag na Maharlika Highway sa San Rafael Bulacan. VICKY CERVALES

Comments are closed.