BULACAN AIRPORT SISIMULAN NA

BULACAN AIRPORT

CLARK FREEPORT, Pampanga – Sisimulan na ang konstruksiyon ng P735-billion Bulacan International Airport sa katapusan ng taon.

Ito ang napag-alaman matapos ang pormal na paglagda sa concession agreement para sa airport development project.

Nilagdaan nina Department of Transportation (DOTr) Secretary Arthur Tugade at San Miguel Corporation (SMC) President and Chief Operating Officer Ramon Ang ang kasunduan na may 50-year concession period.

Sa ilalim ng kasunduan, ang San Miguel ang mamamahala sa financing, design, construction, supply, completion, testing, commissioning, at operation and maintenance (O&M) ng bagong international gateway.

May design capacity na hanggang 200 million passengers taon-taon at mga plano para sa apat na parallel runways, ang Bulacan International Airport ay inaasahang makatutulong para mapaluwag ang Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Ayon kay Tugade, layunin ng Bulacan airport na mapalakas ang mobility at connectivity ng air-riding Filipinos sa pamamagitan ng karagdagang pagpipiliang  gateway.

“It’s all about comfort. It’s all about convenience. It’s all about putting life to the President’s wish and desire for a comfortable life for Filipinos,” anang kalihim.

Inilarawan naman ni Ang ang proyekto bilang isang ‘game changer’ na magdadala ng mas maraming foreign tourists sa Filipinas.

“Once completed, the new international gateway will help in significantly boosting tourism that will lead to creating more job opportunities,” aniya.  PNA

Comments are closed.