BULACAN AT DSWD NAGKASUNDO SA DATA SHARING

Gob-Wilhelmino-Sy-Alvarado

LUNGSOD NG MALOLOS – LUMAGDA ang Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan sa pangunguna ni Gob. Wilhelmino Sy-Alvarado hing­gil sa Data Sharing o pababahagi ng datos ng Listahanan o poverty database ng Department of Social Welfare and Development na ginanap sa Gover-nor’s Office Conference Hall kamakailan.

Ayon sa DSWD, ang Listahanan ay isang sistema ng pamamahala ng impormasyon na nagbibigay ng datos sa pamahalaang nasyunal at mga katuwang na ahensiya upang malaman kung sino at saan may mahihirap sa Filipinas.

Malinaw na nakasaad sa alituntunin ng Listahanan na ang pag-access dito ay maaari lamang gamitin para sa mga gawaing may kinalaman sa pagbibigay proteksiyon sa mga mamamayan gaya ng probisyon ng serbisyo publiko, o pag-enrol sa mga programa upang matugunan ang kahirapan at mga programang pangkaunlaran kabilang na ang Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps), Sustainable Livelihood Program (SLP) at Social Pension Program.

Nakatala rin sa kasunduan ang mga obligasyon ng dalawang partido. Responsibilidad ng unang partido (DSWD) na panatilihin ang sistema, i-update ang datos tuwing ikaapat na taon at ibahagi ang impormasyon lalong higit sa mga ahensiya ng pamahalaan na magsisilbing basehan sa pagpili ng mga benepisyaryo ng mga programang panlipunan sa bansa habang tungkulin naman ng ikalawang partido (Bulacan) na magkaloob ng mga programa at serbisyo para sa mga mahihirap at na­ngangailangang sektor sa lokalidad.

Kapwa tungkulin naman ng dalawa na panatilihing kompidensiyal ang mga datos at kilalanin ang mga nakasaad sa Republic Act No. 10173, na mas kilala bilang Data Privacy Act (DPA) of 2012.

Awtomatikong mawawalan ng bisa ang nasabing kasunduan sa oras na lumabas na ang resulta ng ikat-long ma­lawakang ebalwasyon ng Listahanan. Sa panahong nabanggit, kinakailangang masiguro ng ikalawang partido na maayos na maitatago ang mga datos at hindi na muling mapoproseso para sa an-umang dahilan.        A. BORLONGAN

5 thoughts on “BULACAN AT DSWD NAGKASUNDO SA DATA SHARING”

  1. 523627 4884Oh my goodness! an incredible article dude. Thank you Nonetheless Im experiencing challenge with ur rss . Don know why Unable to subscribe to it. Is there anyone finding related rss drawback? Anybody who knows kindly respond. Thnkx 526264

  2. After study a number of the web sites for your web site now, and that i truly such as your method of blogging. I bookmarked it to my bookmark site list and you will be checking back soon. Pls look into my web site as well and told me how you feel.

Comments are closed.