BULACAN BIRD FLU-FREE NA

IDINEKLARA ng Department of Agriculture (DA) na ligtas na ang lalawigan ng Bulacan sa H5N1 avian influenza (AI) o bird flu.

Sa isang statement, iginawad ng DA ang AI-free status mahigit 90 araw matapos ang cleaning at disinfection activities, at magkaroon ng negatibong resulta ang huling surveillance.

Bago ang deklarasyon ay nagpatupad ang DA ng mga mahigpit na hakbang, kabilang ang depopulation, disinfection, at logistics restrictions, sa 135 poultry facilities na nakarehistro sa Bulacan.

Ang surveillance zones ng 1 at  7 kilometers ay ipinatupad sa paligid ng  infected farms.

Base sa monitoring reports ng Bureau of Animal Industry, ang infections ay naitala sa ducks, quail, native chicken, chicken layers, at broiler breeders sa Baliwag City, Pulilan, Santa Maria, San Rafael, San Miguel, at San Ildefonso mula January 2022 hanggang February 2023.

Ang huling  H5N1 infection ay napaulat sa isang game fowl farm sa Santa Maria noong May 2023.

(PNA)