INAPRUBAHAN ng Senado sa ikatlo at huling pagbasa nitong Lunes ang panukalang batas na lumilikha sa Bulacan Special Economic Zone and Freeport.
Pinagtibay ang nasabing panukalang batas na may 22 affirmative votes, walang negative votes at walang abstentions.
Pinuri ni Senadora Grace Poe, chairman ng Committee on Economic Affairs at sponsor ng Senate Bill No. 2572, ang pag-apruba ng Senado sa naturang panukala.
Ayon kay Poe, ginawa ang SBN 2572 upang balansehin ang paglago ng ekonomiya at pangangalaga sa kapaligiran, at tiyakin ang mas malaking representasyon para sa local government units na sakop ng panukalang ecozone.
“It will spur investments, create more jobs and will be a model, not just here in the Philippines, but all over Asia…With this measure, the Bulakenyos and the rest of the country can expect a world-class economic zone that we can be proud of,” ani Poe.
LIZA SORIANO