DAHIL sa taunang pagdagsa ng mga turista at motorista sa Bulacan at sa mga kalapit lalawigan nito, muling ipatutupad ng Pamahalaang Panna lalawigan ng Bulacan ang “Lakbay Alalay (SUMVAC) 2019” ngayong Semana Santa.
Tatlong lugar sa Bulacan ang tatayuan ng first aid stations mula Abril 18-19, 2019 at bukas 24/7 sa Brgy. Kapitangan sa Paom-bong at National Shrine and Parish of the Divine Mercy sa Brgy. Sta. Rosa I, Marilao habang mula Abril 15-21 naman sa harap ng gusali ng Kapitolyo mula ika-6:00 ng umaga hanggang ika-6:00 ng gabi.
Sinabi ni Gob. Wilhelmino M. Sy-Alvarado na layunin ng gawaing ito na masigurong ligtas ang mga biyahero at motorista na daraan at papasyal sa lalawigan kung kaya’t inatasan ang mga kawani mula sa Provincial Disaster Risk Reduction and Mangement Office-Bulacan Rescue, PNP, Philippine Army, non-government organizations, mga volunteer na rescue team at katuwang na iba’t ibang C/MDRRMO sa lalawigan na tumao sa nasabing mga estasyon.
Aniya, sa oras ng pangangailangan o emergency, maaaring tumawag sa emergency hotline na (044) 791-0566.
Samantala, naglabas naman ng traffic advisory ang bayan ng Baliwag kaugnay ng mga isasarang lansangan upang bigyang daan ang prusisyon ng kani-kanilang parokya.
Ayon pa sa nasabing advisory, isasara pansamantala sa Martes Santo at Miyerkoles Santo ang Baliwag-Bustos Bridge sa pagi-tan ng alas-3:00 ng hapon hanggang alas-4:00 ng hapon; sa Miyerkoles Santo at Biyernes Santo naman ang Plaza Naning at mga lansangan sa paligid nito simula alas-11:00 ng umaga at sa Biyernes Santo sa JP Rizal Avenue (Makinabang at San Jose Stretch) mula alas-3:00 ng hapon para sa mga prusisyon ng iba’t ibang parokya. A.BORLONGAN
Comments are closed.