BULACAN- DAHIL sa patuloy na pagbuhos ng ulan at pagbaha sa 16 na siyudad, inilabas na ng Sangguniang Panlalawigan ang Kapasiyahan Blg. 579-T’2023 na isinailalim na sa State of Calamity ang lalawigang ito.
Base ito sa rekomendasyon ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council na pinamumunuan ni Governor Daniel Fernando.
Ayon kay Natalia Mariska ng Provincial Agriculture Office, nasa 4,073,68 hektaryang taniman ng palay na nagkakahalaga ng P25,475 141.83 na pag-aari ng 2,973 na magsasaka ang sinira ng Habagat.
Umabot sa 157,67 na hektarya na taniman ng gulay ang winasak ng habagat na nagkakahalaga ng P39,885,493 ang nalusaw dahil sa baha.
Habang 1.80 hektaryang mais ang sinagasaan din ng baha,na nagkakahalaga ng P66,227.00.
Sa pangisdaan, nasa 859.21 na hektaryang fishponds ang winasak rin ng baha na nagkakahalaga naman ng P27,596,843.36 sa kabuuan ay umakyat na sa P 100, 710, 805.19 na halaga ng pananim pangisdaan sa probinsya ang na apektuhan ng baha.
THONY ARCENAL