BULACAN KINILALA ANG MGA BAGONG GINTONG KABATAAN 2018

GINTONG KABATAAN 2018

LUNGSOD NG MA­LO­LOS – PINARA­NGALAN ni Bulacan Governor Wilhelmino  Sy-Alvarado ang 16 na mga kabataan at dalawang grupo na uma­ngat sa kani-kanilang larangan at nagsilbing inspirasyon sa iba na maging mga mabubu­ting mamamayan sa katatapos lamang na Gintong Kabataan Awards (GKA) 2018 na ginanap sa The Pavilion, Hiyas ng Bulacan Convention Center sa lungsod na ito.

Sinabi ni Alvarado na mapalad ang Bulacan na biniyayaan ng mga kabataang gaya nina Hen. Gregorio del Pilar at Marcelo H. del Pilar na sa kabila ng kamusmusan ay naging bukal ng pag-asa ng marami at sinabing ipinagmamalaki niyang ipinagpapatuloy pa rin ng mga kabataan sa kasalukuyang henerasyon ang legasiya ng mga ito.

Sa mensahe ni Senador Juan Edgardo “Sonny” Angara bilang panauhing tagapagsalita na inihatid ni Miguel Alfonso Lima mula sa legislative office ng senador, binigyang-linaw nito ang tunay na kahulugan ng pagiging mahusay.

Samantala, iginawad kay Angelica ‘Angel Locin’ Colmenares mula sa Santa Maria ang pinakamataas na parangal bilang Natatanging Gintong Kabataan ng taon.

Gayundin, iginawad kay Asian Games gold medalist Yuka Saso mula sa San Ildefonso ang Gintong Kabataan sa Lara­ngan ng Isports, indibidwal at ang grupo naman sa Bulacan Kuyas; at si Emmanuel Romano mula sa bayan ng Baliwag ang hinirang na Gintong Kabataang Bayani.

Bukod dito, kinilala din para sa Gintong Kabataan sa Kagalingang Pang-akademya at Agham sina Janelle Cherise Corporal mula sa Plaridel para sa sekondarya at Kevin Facun mula sa San Ildefonso para sa kolehiyo; si Michael John Santos mula sa Obando ang itinanghal na Gintong Kabataang Entreprenyur; at para sa  Gintong Kabataan sa Larangan ng Pagli­lingkod sa Pamayanan para sa indibidwal na kategorya kinilala sina Reynaldo Abacan Jr. mula sa Meycauayan habang Caritas Dei mula sa Plaridel naman para sa grupo; tumanggap naman ng parangal bilang mga Gintong Kabataang Manggagawa sina Erlyn Rachelle Macarayan, para sa kategoryang Professional Worker mula sa lungsod ng Malolos, at Alfred Santos mula sa San Miguel, para sa kate­goryang Skilled Worker.

Kinilala rin ngayong taon para sa Gintong Kabataan sa Larangan ng Sining at Kultura (special citations) sina Paolo “Kimpoy” Feliciano mula sa Hagonoy, Katrina “Hopia” Legaspi mula sa Norzagaray, at Ross Ethan “Seth” dela Cruz mula sa Marilao; si Mary Joy Apostol mula sa Pulilan, para sa Sining sa Pagganap; Jerry Christopher Cruz mula sa San Rafael, Interior Design; Normannie Santos mula sa Meycauayan, Fashion Design; at Rey Clement Maaliao mula sa lungsod ng Malolos, Sining ng Pagtatanghal, (posthumous). A. BORLONGAN

Comments are closed.