MAHIGIT pitong buwan bago sumapit ang May 2019 mid term elections, asahang mangingibabaw ang mga Bulacan mayor na mayroong epektibo at maayos na panunungkulan sa kanilang constituents at nangunguna na masungkit ang kanilang ikalawa at ikatlong termino partikular ang mga nakabase sa 1st District at 2nd District ng lalawigan.
Liyamadong masungkit ang kanilang 2nd term sa darating na halalan sa isang taon sina Balagtas Mayor Junior Gonzales, Bocaue Mayor Joni Villanueva-Tugna at Baliwag Mayor Ferdie Estrella, pawang nasasakupan ng ikalawang distrito ng Bulacan habang sure bet ang tandem nina Guiginto Mayor Ambrosio Boy Cruz at Councilor JJ Santos.
Si Mayor Boy Cruz, pangulo ng League of Municipalities of the Philippines (LMP)-Bulacan chapter ay walang malakas na makakalaban para masungkit ang kanyang ikatlo at huling termino sa 2019 elections habang si Councilor Santos ay consistent topnotcher sa kanyang posisyon mula nang pumasok ito sa larangan ng politika.
Base sa pag-aaral ng mga political analyst sa Bulacan gayundin ng grupong Bigaa Bulacan Writers and Artist Society(BIGWAS)Inc, mismong mamamayang Bulakenyo na ang nagsasalita sa pagiging epektibong public servant ng kanilang mga alkalde sa kanilang munisipalidad at kuntento sila sa mga nagawa at magagawa pa ng kanilang nakaupong Municipal Mayors lalo na ang kanilang pagsuporta sa PNP sa giyera laban sa droga.
Tiyak ding masusungkit ni Pulilan Mayor Maritz Ochoa-Montejo ang kanyang 2nd term habang walang makapipigil kay Plaridel Mayor Jocell Vistan-Casaje at Bustos Mayor Arnel Mendoza para ma-kuha ang kanilang ikatlong terms samantalang maaga pa lamang ay tiniyak ng kanyang constituents na muling magwawagi si Sta.Maria Mayor Russel “ Yoyoy” Pleyto.
Maging sa congressional seat ay liyamado rin ang reeleksiyunistang si Cong. Jonathan Alvarado (1st District) at Cong. Gavinil Apol Pancho (2nd District) habang matunog ang pagpasok sa politika ng dating opisyal ng PNP na si Francisco Vilalaroman, Dangal ng Lipi awardee at kilalang malapit kay Pangulong Duterte na lalabang alkalde sa bayan ng San Rafael. A. BORLONGAN