BULACAN OFFICIALS TIKOM ANG BIBIG SA ASF

ASF-4

NANANATILING tikom ang bibig ng mga opisyal ng Bulacan sa harap ng serye ng pagkalat ng African Swine Fever (ASF) sa probin­siya.

Napag-alamang nasa 1,000 alagang baboy mula sa Pandi, Bulacan ang isinailalim sa culling process o paghihiwalay upang patayin dulot ng naturang sakit.

Hindi pa rin kinukumpirma o itinatanggi ng mga opisyal ng Bulacan ang natu­rang pagpatay sa mga baboy sa kanilang lkugar.

Maging ang National Bureau of Investigation (NBI) ay nakialam na rin sa pagpatay sa mga livestock na nagkakahalaga ng P20 milyon.

Lumutang ang isang May Gonzalez, na nagpakilalang may-ari ng pinatay na mga alagang baboy alinsunod sa utos ng municipal veterinarian ng Pan-di at provincial veterinarian ng Bulacan sa kabila ng sinabi nitong nagnegatibo ang  kanyang mga alagang baboy sa ASF.

Tumanggi namang magsalita si Voltaire Basinang, provincial veterinarian ng Bulacan, o maging si Maricel Cruz, ng provincial public affairs office ng Bulacan, kaugnay ng napaulat na pagpatay sa mga alagang baboy.

Samantala, nasa 20,000 alagang baboy na ang pinatay sa Bulacan kaugnay ng ASF kung saan mahigit 1,000 ay galing sa Pandi, 1,000 sa Pulilan at 1,700 sa bahagi naman ng Plaridel, Bulacan.  BENEDICT ABAYGAR, JR.

Comments are closed.