BULACAN PANGKALAHATANG LIGTAS KAY ‘TISOY’

Daniel R. Fernando

MALOLOS CTIY – IPINAHAYAG NG Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan sa pamamagitan ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office na pangkalahatang ligtas ang Bulacan.

Ayon kay Governor Daniel R. Fernando na siyang namamahala sa PDRRMO Operation Center sa lungsod, sinabi na lahat ng mga lokal na punong executive sa lalawigan ay nakatuon sa pagsubaybay sa kani-kanilang mga ope­ration center, na pala­ging nakiki­pag-ugnayan sa kanilang mga nasasakupan at iba pang ahensya ng gob­yerno pati na rin ang Meralco.

“Dito sa Bulacan, maulan ngunit hindi gaanong malakas ang hangin at nakatulong ang maagang paghahatid ng mga kababayan dahil na rin sa nakikita ng kanilang mga LCE, mabilis ang mga pag-alam tungkol sa bagyo, nag-suspend ng klase, maagang nagpauwi sa trabaho kaya walang na-injure o na-stranded,” paliwanag ni Fernando.

Ayon sa Situational Report No. 8 na inilabas ng PDRRMO, hanggang alas-6 ng umaga kahapon, normal ang kondisyon ng panahon sa buong lalawigan ngunit ang mga klase sa publiko at pribado sa lahat ng antas sa ilang mga munisipyo ay sinuspinde kasama ang San Miguel, Calumpit, Hagonoy, Paombong, Bulakan, Bustos, Obando, Pulilan, Guiguinto, Norzagaray at Bocaue.

Pahayag ni Felicisima Mungcal, PDRRMO officer, na ang lahat ng 141 na mga bakwit mula sa Salambao, Pag-Asa at Paliwas mula sa Obando ay bumalik na sa kanilang mga tahanan.

Samantala, ang antas ng tubig sa Angat Dam ay nakataas ngayon sa 193.47 metro; Ang Ipo Dam sa Norzagaray ay may 101.20 metro at ang Bustos Dam ay hanggang sa 107.58 metro.

Sa kasalukuyan, ang Bulacan ay nasa ilalim ng Tropical Cyclone Wind Signal No. 1. MARIVIC RAGUDOS

Comments are closed.