LUNGSOD NG MALOLOS – Nananatili ang Bulacan sa listahan ng pinakamayayaman na probinsiya sa Filipinas dahil sa matagumpay na pagsasakatuparan nina Gobernador Wilhelmino Sy-Alvarado at Bise Gob. Daniel Fernando ng bisyon na umangat ang lalawigan sa pinansiyal na aspekto.
Sa pagtutulungan nina Alvarado at Fernando, isang malaking hakbang ang ginawa ng Bulacan na nagresulta sa pagkakamit nito ng ikalimang puwesto sa listahan ayon sa Commission on Audit Annual Financial Report-Top Ten Provinces, Cities and Municipalities with the Highest Amount of Assets (in million pesos).
Noong 2015, nakamit ng Bulacan ang pinakamataas na kita mula sa lahat ng probinsiya na may kita na P3.79 bilyon. Umabot ang asset nito sa P8.96 bilyon noong 2016, at tumaas pa ng P10.451 bilyon ang asset noong 2017.
Gayundin, sa administrasyon nina Alvarado-Fernando, nakatanggap ang lalawigan ng ilang malalaking pagkilala tulad ng International Organization (ISO) 9001:2015 Certificate na sinisiguro ang episyenteng kalidad ng sistema ng Kapitolyo, apat na sunud-sunod na taon ng Seal of Good Local Gov-ernance, National Gawad Kalasag Hall of Famer Award, magkakasunod na Rice Achievers Awardee at Most Business-Friendly Province at iba pa.
Bilang resulta, malalaking mamumuhunan ang tumitingin sa Bulacan bilang isang lumalagong lokasyon na maaaring pagtayuan ng mga negosyo at ibang proyektong pang-imprastraktura katulad ng iminumungkahing New Manila International Airport (Bulacan International Airport Project), ang relo-kasyon ng gusali ng ABS-CBN at iba pa.
Gayundin, ang kasalukuyang konstruksyon ng Bulacan Bulk Water Supply Project na magbibigay-daan sa malinis at naiinom na surface water na may mababang halaga para sa mga Bulakenyo. Nagsimula na rin ang paggawa ng MRT Line 3 at PNR Phase 1 kasabay ng pagsasagawa ng ground-breaking ceremony nito sa pangunguna ng DPWH at DOTr kasama ang Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan.
“Progress is on- going process. With us, fellow Bulakenyos, working hand-in –hand, we can have a province that is progressively amoving non-stop,” dagdag ni Fernando. A. BORLONGAN
Comments are closed.