BULACAN WAGI SA GOOD FINANCIAL HOUSEKEEPING

Vice Governor Daniel Fernando

BULACAN – TUMANG­GAP  ng parangal ang lalawigang ito kasabay ang 21 bayan at tatlong siyudad ng 2019 Good Financial House-keeping mula sa  Department of the the Interior and Local Government (DILG).

Nabatid na nakasunod  sa Full Disclosure Policy o ang pagpapaskil ng dokumentong pinansiyal sa tatlong hayag ng lugar at sa FDP Portal para sa CY 2018 all quarters at CY 2019 1st quarter posting period documents at ang kanilang pinakabagong COA Audit Opinion ay Unqualified o Qualified para sa CY 2017 at 2018.

Ayon kay Gob. Da­niel R. Fernando ang lahat ng tatlong lungsod at 21 bayan ay nakapasa sa pamantayan ng DILG.

Aniya, ang pagiging bukas ng ating dokumento, at pinansyal ay dapat talagang pagtuunan ng pansin ng ating pamahalaan. “Karapatan po ng ating mga mamamayan na malaman kung saan napupunta ang buwis na kanilang ibinabayad. Kaya naman po, tayong mga pinagkatiwalaan ay dapat na gugulin ang mga pondong ito sa tamang mga proyekto na mabebenipisyuhan ang ating mga kalalawigan,” anang gobernador.

Sa Official List of Passers na inilabas ng DILG, 89 porsiyento o 1,522 sa 1,706 na sinu­ring lokal na pamahalaan ang pumasa sa batayan.

Ang Financial Housekeeping, kasama ng Disaster Preparedness, Social Protection, Peace and Order, Business Friendliness and Competitiveness, Environmental Protection at Tourism, Culture and the Arts, ang mga batayan sa paggagawad ng Seal of Good Local Governance sa mga lokal na pamahalaan. THONY ARCENAL

Comments are closed.