BULAKLAK BAGSAK PRESYO

Bulaklak

NAGBUKAS  na ang ilang negosyo sa Tagaytay  halos isang linggo matapos ang pagputok ng Bulkang Taal.

Binuksan na ang sikat na Skyranch matapos  na aprubahan ni Tagaytay City Mayor Agnes Delgado-Tolentino  nitong Biyernes ang resolusyon  na  pumapayag sa kahilingan ng  Tourism Council  na buksan ang ilang establisimiyento  makaraang  ideklara ng mga awtoridad  na ang mga nasa  Tagaytay Ridge  ay hindi kailangang ilikas.

Nagbukas na rin ang mga tindahan  ng bulaklak sa  Ca­vite, ngunit ibinagsak na nila ang presyo.

Bagsak-presyo na ang Malaysian mums na dating nabibili na P300 kada dosena ngayon ay  P150 na lang .

Paliwanag ng mga vendor, mabuti nang bagsak presyo kaysa itapon na lang.

May mga flower stall  naman ang sarado pa habang ang  mga panindang bulaklak ay natatakpan ng abo at nalalanta na.  EUNICE C.

Comments are closed.