BULAKLAK SA DANGWA MAGTATAAS BAGO MAG-UNDAS

DANGWA

MALAMANG na tumaas ang presyo ng mga bulaklak sa Dangwa Flower Market sa Maynila bago mag-Undas.

Ayon sa mga nagtitinda, P10 hanggang P100 ang maaaring itaas sa pres­yo depende sa klase ng bulaklak.

Sa ngayon, mabibili sa halagang P250 ang kada tangkay ng Holland lily; 170 ang kada sampung tangkay ng carnation at gerbera daisy, habang P130 ang kada tangkay ng China lily at casa blanca.P200 naman ang kada dosena ng lokal na rosas at P180 ang kada dosena ng chrysanthemum o jimba.

Ang bawat bundle ng orchids ay mabibili sa halagang P40 hanggang P50 habang ang white orchids at Malaysian mumps naman ay mabibili sa P300-P600 ang kada basket.

Tiniyak naman ng ilang tindera na hindi na gagalaw ang presyo ng kandila hanggang sa Undas.

Pero bago ito, nauna nang nagtaas ng dalawa hanggang limang piso ang presyo ng kandila depende sa klase.

Comments are closed.