BULKANG BULUSAN NAKAPAGTALA NG 13 VOLCANIC EARTHQUAKE

BICOL – MULING na­kapagtala ang Phi­lippine Institute of Volcanology and Seismo­logy (Phivolcs) ng labing tatlong volcanic earthquake sa Bulkang Bulusan sa Sorsogon.

Ayon sa Phivolcs, nakitaan ng pamamaga sa malaking bahagi ng bulkan habang tuluy-tuloy ang pagbuga nito ng hanggang 31 tonelada ng asupre kada araw mula pa noong kalagitnaan ng Hunyo.

Samantala, sa nakalipas na tatlong araw ay naitala ang pagbaba ng bilang ng mga volcanic earthquake sa naturang bulkan.

Nitong nakalipas na 15 ng Agosto namonitor ang 22 ulit na pagyanig habang kamakalawa nakapagtala naman ito ng 13 pagyanig.

Nananatili namang ipinagbabawal ang pagpasok sa Permanent Danger Zone  (PDZ) sa palibot ng nasabing bulkan kasama na ang pagpapa­lipad ng mga sasakyang panghimpapawid sa taas sa tapat nito.

Ang bulkang Bulusan ay nananatili sa ilalim ng Alert Level 1.

EVELYN GARCIA