MULI na namang nakapagtala ng limang beses ng pagbuga ng abo ang Bulkang Kanlaon sa Negros sa nakalipas na 24-oras, ayon sa monitoring ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS).
Ayon sa PHIVOLCS, tumagal ng lima hanggang 116 na minuto ang naitalang aktibidad.
Naiulat din ang 27 volcanic earthquakes sa bulkan kabilang ang siyam na volcanic tremors.
Nagpapatuloy rin ang makapal at walang patid na pagsingaw sa bulkan na umabot ng 300 metro ang taas.
Habang bumaba sa 4,861 tonelada rin ang inilabas nitong sulfur dioxide flux.
Sa ngayon, nasa ilalim pa rin ng Alert Level 3 ang Bulkang Kanlaon.
EVELYN GARCIA