BULKANG KANLAON NAGBUGA NG ASH PLUME

INIHAYAG ng Phi­lippine Institute of Volcanology and Seismo­logy (PHIVOLCS) na nagbuga ng 300 metrong taas ng abo ang Bulkang Kanlaon nitong hapon ng Pasko, Disyembre 25.

Sa ulat ng Phivolcs, ang ash emission mula sa Bulkang Kanlaon ay naitala sa pagitan ng alas 3:30 ng hapon hanggang alas 4:35 ng hapon.

“These events genera­ted grayish plumes that rose 300 meters above the crater before drifting southwest as recorded by the Kanlaon Volcano Observatory – Canlaon City Basler and IP camera,” anang ahensya.

Nananatili sa Alert Level 3 ang babala sa Bulkang Kanlaon.

Bago ang pinakahuling ash event, naitala ang apat na kaparehong emissions sa bulkan nitong Martes ng umaga na nagresulta sa 1,200 metrong taas ng abo.

Nakapagtala rin ng ash emissions nitong Lunes, isa sa umaga at tatlo sa gabi.

Matatandaan na sumabog ang Bulkang Kanlaon noong Disyembre 9 na nagdulot ng voluminous plume na umabot sa 3,000 metro ang taas.

EVELYN GARCIA