NEGROS OCCIDENTAL – INIULAT ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) na muli na namang nakapagtala ng sampung volcanic earthquakes ang Kanlaon Volcano sa Negros Island nitong Miyerkules.
Ayon sa ipinalabas na bulletin ng PHIVOLCS dakong alas 8 ng umaga nagpakita rin na ang Kanlaon Volcano ay naglabas ng 2,066 tonelada ng sulfur dioxide flux nitong Martes.
Nakapagtala ng walong lindol ang Kanlaon Volcano at naglabas ng 4,768 tonelada ng sulfur dioxide flux, gayundin ng 900 metrong plume.
Nauna nang nagbabala ang National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) laban sa posibleng pagbagsak ng abo mula sa Kanlaon Volcano patungong hilagang-silangan bandang alas-7:39 ng umaga.
Kasalukuyang nasa Alert Level 2 ang Bulkang Kanlaon dahil sa “increased unrest” kasunod ng pagsabog nito noong Hunyo 3.
Ang pagpasok sa 4-kilometer radius permanent danger zone ng bulkan, at ipinagbabawal ang paglipad sa anumang sasakyang panghimpapawid na malapit dito.
Maaari rin mangyari ang biglaang steam-driven o phreatic eruptions.
EVELYN GARCIA