BULKANG KANLAON NASA ALERT LEVEL 2

NEGROS – INIHAYAG ng Philipine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) na naglabas ng 6,367 tonelada ng volcanic sulfur dio­xide nitong Sabado ang Kanlaon Volcano kung saan ito ang ikatlong pinakamataas na SO2 emission sa taong 2024.

Naiulat ang SO2 fumes sa ilang barangay sa Murcia, Negros Occidental.

Lumikha din ang Kanlaon ng 700-meter steam-rich plumes na dulot nang malakas na degassing activity mula sa summit crater.

Nakapagtala rin ang PHIVOLCS ng average na siyam na volcanic earthquakes kada araw mula pagsabog, at mabagal ngunit patuloy na inflation at pressurization ng edifice mula noong Marso, 2022.

Nasa ilalim nang alert level 2 ang Kanlaon kung saan nangangahulugan na mataas  ang posibilidad ng pagsabog o mapanganib na magnetic eruptions mula sa summit crater.

Pinayuhan naman ang publiko na umiwas sa four-kilometer Permanent Danger Zone (PDZ) at manatiling mapagmatyag sa posibleng panganib ng nasabing bulkan.

EVELYN GARCIA