BULKANG KANLAON PATULOY NA NAGBUBUGA NG MAITIM NA USOK

INIULAT NG Philippine Institute of Volcanology and Seismo­logy (PHIVOLCS) na patuloy na nagbubuga ng maitim na abo ang Bulkang Kanlaon nitong Lunes.

“Continuous emission of dark ash ongoing at Kanlaon Volcano since 11:45 am. An advisory will be released,” saad sa pahayag ng PHIVOLCS sa kanilang Facebook account.

Nasa 15 volcanic earthquakes ang namonitor sa Bulkang Kanlaon sa nakalipas na 24 na oras.

Nagbuga ito ng 7,198 tonnes ng sulfur dioxide nitong Linggo, Disyembre 22.

Matatandaan na sumabog ang Bulkang Kanlaon noong Disyembre 9 at ang voluminous plume nito ay uma­bot nang 4,000 metro ang taas.

Agad na itinaas sa Alert Level 3 ang babala sa Bulkang Kanlaon.

EVELYN GARCIA