BULKANG MAYON ITINAAS SA ALERT LEVEL 1

ITINAAS ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) sa Alert Level 1 ang Mayon Volcano matapos na maobserbahan ng tumaas ang level ng aktibidad nito.

“PHIVOLCS-DOST is now raising the alert status of Mayon from Alert Level 0 to Alert Level 1. This means that the volcano is exhibiting abnormal conditions and has entered a period of unrest,” batay sa pinakahuling abiso ng Phivolcs para sa Mayon Volcano kahapon dakong alas- 4 ng hapon.

Ang pagtaas ng alerto ay matapos na maobserbahan ang pagtaas ng aktibidad ng bulkan mula sa global positioning systems (GPS), precise leveling (PL), at electronic tilt and electronic distance meter (EDM) monitoring.

“These observation parameters indicate that volcanic gas-induced pressurization at the shallow depths of the edifice may be occurring, causing the summit dome of Mayon to be pushed out,” ayon pa sa abiso.

Nagbabala naman ang PHIVOLCS sa posibleng pagbagsak ng mga bato, pagguho ata pagbuga ng abo sa summit area na posibleng mangyari.

Binalaan din ang mga residente sa kapatagan malapit sa lugar at aktibong river channels na manatiling alerto laban sa pagragasa ng lahar bunsod ng mga pag-ulan. EVELYN GARCIA