ALBAY – NAITALA ang muling pagbuga ng abo ng Bulkang Mayon kahit pa maulan sa lugar.
Nilinaw ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) na hindi nakaapekto sa aktibidad ang pag-ulan sa Albay.
Ayon kay PHIVOLCS resident volcanologist Dr. Ed Laguerta, pyroclastic density currents o usok lang ang nangyari alas-12:34 ng hapon noong Sabado.
Posible aniyang nagkaroon ng kaunting aktibidad sa ilalim ng bulkan .
Dagdag pa ni Laguerta na isa ito sa mekanismo ng bulkan habang nasa proseso ng pagkalma o quiet period.
Ito rin aniya ang dahilan kung kaya hindi pa maaaring ibaba ang alert level 2 status ng bulkan.
Samantala, tiniyak pa ni Laguerta na patuloy pa rin ang monitoring ng ahensya sa aktibidad ng naturang bulkan. AIMEE ANOC
Comments are closed.