BULKANG MAYON NAG-AALBURUTO

ALBAY – KINAKITAAN ang pag-aalburuto ang Mt. Mayon nang maitala ang dalawang magkasunod na phreatic eruptions nito kamakalawa.

Ang unang phreatic eruption ay dakong alas-7:59 ng umaga at nasundan ito dakong alas-8:05 ng umaga kahapon.

Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS), naobserbahan ang grayish na kulay ng abo patungo sa grayish white ash plume na may taas na 300 hanggang 500 metro mula sa bunganga ng bulkan.

Dahil naman sa umiiral na hangin, tinahak nito ang southwest direction na sakop ang ilang lugar ng una at ikalawang distrito ng Albay.

Kasalukuyan pa ring nakabandera ang alert level 2 status sa naturang bulkan.   PILIPINO Mirror Reportorial Team