BULKANG TAAL KUMALMA NA

BAHAGYANG kumalma ang bulkang Taal matapos makapagtala ng dalawang volcanic eathquakes lamang sa nakalipas na 24-oras kahapon ng umaga.

Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOCLS) naitala rin ang low-level background tremor sa paligid ng bulkan.

Samantala sinabi ng Phivolcs na isang mahinang pagsingaw na may taas na tatlumpung (30) metro, mula sa mga fumaroles o gas vents ang naganap sa Main Crater ng bulkan.

Ayon pa sa Phivolcs, patuloy na nakataas sa Alert Level 2 ang bulkang Taal at pinaaalalahanan ang publiko sa paulit ulit na pagputok ng bulkan, volcanic earthquake, bahagyang abo at mapanganib na ipon o pagbuga ng volcanic gas.

Mahigpit din ipinagbabawal ng Phivolcs ang pagpasok ng sinuman malapit sa bulkan na nasa ilalim ng Permanent Danger Zone o PDZ ng bulkang Taal.

Hinikayat rin ng ahensya ang ang mga lokal na pamahalaan na patuloy na suriin at pagtibayin ang kahandaan ng mga dati nang nilikas na barangay sa paligid ng Lawa ng Taal kung sakali mang magkaroon ng panibagong pag-aalburoto ang bulkan.

Itinuturing na ang bulkang Taal ay isang aktibong bulkan dahil sa mga nakalipas na pag-aalboroto nito.
EVELYN GARCIA

3 thoughts on “BULKANG TAAL KUMALMA NA”

  1. 426038 43425Thank you for having the time to discuss this subject. I truly appreciate it. Ill stick a link of this entry in my web site. 800178

Comments are closed.