BULKANG TAAL NANANATILING NASA ALERT LEVEL 2

NANANATILING aktibo ang bulkang Taal matapos makapagtala ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) ng 74 volcanic earthquakes nitong Sabado.

Ayon sa PhiVolcs bulletin, nagkakaroon ng pagyanig kada isa hanggang apat na minuto bukod pa sa mataas ding antas ng sulfur dioxide (SO2) na ibinuga ng bulkan na umaabot sa 596 tonelada kada araw.

Nananatiling nakataas sa Alert Level 2 ang Taal volcano na ang kahulugan ay maaari umanong magkaroon ito ng mga aktibidad tulad ng “phreatic explosions at volcanic earthquakes.”

Nagbubuga na rin umano ng minor ashfall ang Taal bukod pa sa lethal accumulations o expulsions of volcanic gas na itinuturing na banta sa mga naninirahan sa paligid ng bulkan.

Pinaghahanda na rin nila ang mga lokal na opis­yal sa mga karatig-bayan na posibleng evacuation centers para sa mga nakatira malapit sa Taal Lake.

Samantala, wala pa ring balak ang pamahalaan ng Nasugbu kung paano tatanggapin ang mga dara­ting na bakwit sakaling pumutok ang Bulkang Taal.

Matatandaang isa ang Nasugbu sa hindi gaanong naapektuhan ng pagsabog ng Taal noong isang taon at libo-libong bakwit ang pansamantalang nanirahan sa mga evacuation center sa kabilang lugar sa loob ng ilang buwan. NENET VILLAFANIA

52 thoughts on “BULKANG TAAL NANANATILING NASA ALERT LEVEL 2”

  1. Get here. Medscape Drugs & Diseases.
    ivermectin 2mg
    Some are medicines that help people when doctors prescribe. drug information and news for professionals and consumers.

  2. earch our drug database. Drug information.
    ivermectin 500mg
    Prescription Drug Information, Interactions & Side. drug information and news for professionals and consumers.

  3. Read information now. Some are medicines that help people when doctors prescribe.
    https://nexium.top/# get generic nexium tablets
    Medscape Drugs & Diseases. Comprehensive side effect and adverse reaction information.

Comments are closed.