BULLDOGS DINUNGISAN ANG MAROONS

Mga laro sa Sabado:
(Mall of Asia Arena)
8 a.m. – FEU vs DLSU (Women)
10 a.m. – AdU vs NU (Women)
2 p.m. – FEU vs DLSU (Men)
4 p.m. – AdU vs NU (Men)

IPINALASAP ng National University sa University of the Philippines ang unang kabiguan nito sa season, at nakatabla ang defending champions at Ateneo sa liderato sa UAAP men’s basketball tournament kahapon sa Mall of Asia Arena.

Pinatunayan na hindi tsamba ang kanilang panalo kontra Fighting Maroons sa preseason, naitala ng Bulldogs ang 80-75 reversal sa UP, habang lumayo ang Blue Eagles sa third period upang pataubin ang University of Santo Tomas, 79-52.

Kasalo ngayon ng NU ang UP at Ateneo sa ibabaw ng standings sa 3-1.

Naipuwersa sana ng La Salle ang four-way logjam para sa liderato, subalit napigilan ito ng University of the East.

Naitala ni Kyle Paranada ang lima sa kanyang 20 points sa breakaway ng Red Warriors sa huling dalawang minuto upang gapiin ang Green Archers, 81-74, at makatabla ang kanilang biktima sa fourth spot sa 2-2.

Iskor:
Unang laro:
Ateneo (79) — Padrigao 20, Ildefonso 10, Ballungay 10, Koon 7, Kouame 7, Chiu 5, Quitevis 5, Andrade 3, Gomez 3, Garcia 3, Fornilos 3, Lazaro 2, Daves 1, Fetalvero 0, Ong 0, Lao 0.
UST (52) — Cabañero 12, Lazarte 11, Faye 8, Pangilinan 5, Manalang 5, Duremdes 5, Garing 4, Magdangal 2, Manaytay 0, Calimag 0, Laure 0, Mantua 0, Herrera 0, Escobido 0, Gesalem 0.
QS: 18-14, 33-32, 57-43, 79-52

Ikalawang laro:
NU (80) — John 16, Baclaan 13, Figueroa 10, Enriquez 10, Minerva 6, Clemente 6, Malonzo 5, Yu 4, Galinato 4, Mahinay 2, Manansala 2, Tibayan 2, Padrones 0, Palacielo 0.
UP (75) — Lucero 22, Tamayo 17, Abadiano 11, Alarcon 9, Diouf 7, Fortea 6, Gonzales 2, Spencer 1, Galinato 0, Ramos 0, Calimag 0.
QS: 23-24, 50-42, 66-66, 80-75

Ikatlong laro:
UE (81) — K. Paranada 20, N. Paranada 18, Villegas 16, Stevens 8, Payawal 7, Sawat 5, Alcantara 3, Guevarra 2, Abatayo 2, Antiporda 0, Beltran 0, Remogat 0.
DLSU (74) — Winston 26, Quiambao 15, Estacio 7, Austria 6, Cortez 6, B. Phillips 5, Abadam 4, M. Phillips 3, Nwankwo 2, Manuel 0, Macalalag 0.
Qs: 16-16, 34-36, 51-56, 81-74.