BULLDOGS KUMAKATOK SA THREE-PEAT

Mga laro sa Linggo:
(Mall of Asia Arena)
2 p.m. – UST vs NU
(Men Finals)

4 p.m. – NU vs DLSU
(Women Finals)

DUMAAN sa butas ng karayom ang National University bago dinispatsa ang University of Santo Tomas, 25-23, 25- 22, 21-25, 29-31, 15- 11, upang lumapit sa pagkumpleto ng three-peat sa UAAP men’s volleyball tournament kahapon sa Mall of Asia Arena.

Nahila ng Bulldogs ang kanilang unbeaten run ngayong season sa 15 matches, subalit kinailangang malusutan ang matikas na pakikihamok ng Golden Spikers sa two-hour, 50-minute match.

“Medyo lumamang kami nung bandang huli although yung ibang sets nagig- ing problema namin ‘yung opensa namin buti na lang medyo may unforced errors sila na nakakahabol kami…sana magtuloytuloy pa at sa Sunday makuha na namin,” sabi ni NU coach Dante Alinsunurin.

Nagpasiklab si Mike Buddin sa kanyang Finals debut na may 26 points sa 24-of-54 attacks at 26 receptions para pangunahan ang Bulldogs sa panalo sa opener

“Hindi ko ini-expect na magiging ganoon ang performance ko sa game. Sobrang happy sa panalo,” sabi ni Buddin, na nagwagi ng high school boys title para sa NU-Nazareth noong 2019.

Ang NU ay magtatangka sa kanilang ika-5 championship overall sa Game 2 sa Linggo, alas-2 ng hapon, sa parehong venue.

Nagdagdag si Nico Almendras ng 20 points at 7 digs, gumawa si Ken Malinis ng 11 points habang nagbigay si setter Josh Retamar, na nalusutan ang injury scare sa fifth set makaraang bumangga ang tuhod kay Josh Ybañez, ng 25 excellent sets na sinamahan ng 5 points para sa Bulldogs.

Nagbuhos si Ybañez ng gamehigh 28 points na may kasamang 12 digs, habang nag-ambag si De Vega ng 19 kills at 13 receptions para sa Golden Spikers.