NAUNGUSAN ng National University ang University of the Philippines, 3-2, upang lumapit sa pagsukbit ng men’s five-peat sa UAAP Season 81 badminton tournament kahapon.
Binigyan ng Fighting Maroons ang Bulldogs ng magandang laban sa rematch ng finals noong nakaraang taon bago bumigay sa opener.
Sa women’s finals, ginulantang ng Ateneo ang UP, 3-2, upang makalapit sa pagputol sa five-year championship drought.
Naitala ni JM Bernardo ang 21-16, 21-14 panalo laban kay Ros Lee Pedrosa sa opening singles bago nakatabla ang NU sa 21-15, 21-8 tagumpay ni Mike Minuluan kay rookie Kyle Legaspi.
Makaraang kunin ng Bulldogs ang bentahe via 21-11, 21-14 panalo nina Alvin Morada at Alem Palmares laban kina Betong Pineda at Harvey Tungul sa first doubles, inihatid ng Maroons ang tie sa decider, nang manaig sina Bernardo at Vinci Manuel kina Minuluan at Pedrosa, 21-17, 21-19, sa second doubles.
Naitala ni Morada, ang reigning MVP, ang 21-15, 21-14 win kontra Michael Clemente sa deciding singles upang selyuhan ang panalo para sa NU, na napalawig ang kanilang winning run sa 42 ties.
Sisikapin ng Bulldogs, nagtatangka sa kanilang ika-6 na titulo sa nakalipas na pitong taon, na masakmal ang korona sa Biyernes, alas-8 ng umaga, sa Rizal Memorial Badminton Hall.
Comments are closed.