BULLDOGS, MAROONS BUHAY PA

UAAP BASKETBALL

Mga laro sa Miyerkoles:

(Smart Araneta Coliseum)

2 p.m. – Ateneo vs UE (Men)

4 p.m. – UP vs FEU (Men)

NANATILING buhay ang pag-asa ng National University at University of the Philippines  na makasambot ng puwesto sa Final Four makaraang igupo ang kani-kanilang katunggali sa UAAP men’s basketball tournament kahapon sa Filoil Flying V Centre.

Naitala ni Dave Ildefonso ang pito sa kanyang 16 points sa final period nang putulin ng Bulldogs ang three-game winning streak ng University of Santo Tomas sa pamamagitan ng 69-61 panalo.

Naiposte ni Juan Gomez de Liaño ang unang triple-double sa liga sa loob ng 12 taon at tumabla ang Fighting Maroons sa Growling Tigers sa fifth place kasunod ng 94-81 pagdispatsa sa University of the East.

Sinamahan ng UP ang UST sa 4-5, kung saan ang Dilman-based squad ay isang laro na lamang ang pagitan sa joint third placers Far Eastern University at La Salle, na kapwa may  5-4 kartada.

Ang NU, umangat sa 3-6 marka, ay dalawang laro naman ang agwat sa fourth spot, at ang panalo ng season hosts ay magsisilbing confidence-booster papasok sa kanilang duelo sa defending champion Ateneo, na magseselyo sa kanilang kapalaran ngayong season.

Kumana si Gomez de Liaño, pinunan ang puwestong iniwan ni suspended brother Javi, ng  15 points, 12 rebounds at 12 assists, kung saan siya ang ­unang player na nagtala ng triple-double magmula nang gawin ito ni  Marvin Cruz sa  98-88  panalo ng Maroons laban sa Blue Eagles noong Agosto 20, 2006.

“He knows what it takes to do that. I mean, I’m the least surprised about what he has done,” wika ni UP mentor Bo Perasol patungkol kay Gomez de Liaño. “It was team play because his assists shouldn’t be assists if his teammates won’t make the shots.”

Iskor:

Unang laro

NU (69) – Ildefonso D. 16, Rike 13, Clemente 12, Gaye 10, Diputado 7, Ildefonso S. 4, Yu 3, Joson 2, Sinclair 2, Aquino 0, Gallego 0, Galinato 0, Tibayan 0.

UST (61) – Subido 18, Lee 12, Huang 11, Cansino 8, Mahinay 8, Caunan 4, Bataller 0, Marcos 0, Zamora 0, Cosejo 0, Agustin 0.

QS: 15-11, 33-32, 53-42, 69-61

Ikalawang laro

UP (94) – Akhuetie 28, Desiderio 16, Gomez de Liaño Ju. 15, Dario 13, Manzo 6, Vito 5, Jaboneta 3, Lim 3, Prado 3, Murrell 2, Longa 0, Tungcab 0, Gozum 0.

UE (81) – Pasaol 30, Manalang 15, Conner 12, Varilla 10, Beltran 4, Cullar 3, Antiporda 3, Strait 2, Bartolome 2, Acuno 0, Guion 0.

QS: 19-20, 41-44, 63-60, 94-81

Comments are closed.