NAKOPO ng National University ang kanilang kauna-unahang Finals appearance makaraang makihamok sa scoreless stalemate sa titleholder Far Eastern University-Diliman sa UAAP Season 81 juniors football tournament noong Linggo.
Ang Bullpups ay nanatili sa ibabaw ng standings na may 15 points, habang umangat ang Baby Tamaraws sa 14 points sa ikalawang puwesto.
Sa iba pang laro ay pinataob ng Ateneo ang De La Salle-Zobel, 7-1, upang umangat sa 11 points sa ikatlong puwesto.
Matapos ang sariling goal ng Junior Archers sa opening minute, nanalasa ang Blue Eaglets sa pagsasanib-puwersa nina Jethro Paraso, Stephen Herrera, Luard Abaa, Justin Uy, Marcus Bricia at Hugh Soriano.
Ang nag-iisang goal ng De La Salle-Zobel ay nagmula kay substitute Juan Miguel Basmayor sa kalagitnaan ng second half.
Ang Junior Archers ay nananatiling walang puntos.
Comments are closed.