Mga laro sa Linggo:
(Filoil Flying V Centre)
9 a.m. – UST
vs Ateneo (Jrs)
11 a.m. – NU
vs UE (Jrs)
1 p.m. – UPIS
vs FEU (Jrs)
3 p.m. – AdU
vs DLSZ (Jrs)
PINATAOB ng National University ang De La Salle-Zobel, 82-67, upang kunin ang unang Final Four berth sa UAAP Season 81 juniors basketball tournament kahapon sa Filoil Flying V Centre.
Matikas na nakihamok ang Junior Archers sa unang tatlong quarters hanggang pamunuan ni Gerry Abadiano ang Bullpups sa payoff period, sa pag-iskor ng 11 sa kanyang game-high 20 points.
Humablot din si Abadiano ng 15 rebounds at nagbigay ng apat na assists para sa NU, na naitala ang ika-10 panalo sa 11 asignatura.
Walang talo sa second round, nagwagi ang Bullpups sa kabila ng ejection ni Terrence Fortea sa huling bahagi ng opening period.
Sa iba pang laro ay dinispatsa ng titleholder Ateneo at Far Eastern University-Diliman ang kani-kanilang lower-ranked foes upang manatiling magkasalo sa ikalawang puwesto.
Nagbuhos si Kai Sotto ng 18 points, 11 rebounds at 5 assists bago inilabas sa payoff period nang tambakan ng Blue Eaglets ang UP Integrated School, 115-68, habang ginapi ng Baby Tamaraws, sa pangunguna ni Xyrus Torres na may 24 points, ang University of the East, 99-82.
Ang Ateneo at FEU-Diliman ay may magkatulad na 8-3 marka at nakasiguro na sa semifinals playoff berth.
Comments are closed.