BULLS PINAAMO NG SIXERS

NAGBALIK si Joel Embiid mula sa 11-day absence upang kumamada ng triple-double na 31 points, 15 rebounds at 10 assists, at pangunahan ang host Philadelphia 76ers sa 110-97 panalo kontra  Chicago Bulls nitong Martes.

Ito ang ikalawang triple-double ngayong season at ang ika-7 sa career ni  Embiid. Nahila ni Embiid, na nagtala rin ng 2 blocked shots, ang kanyang streak na hindi bababa sa 30 points at  10 rebounds sa 14 sunod na laro.  Sa pagkakataong ito, nagawa niya ito sa tatlong quarters.

Hindi nakapaglaro si Embiid sa lahat ng apat na laro ng 2-2 road trip ng  Sixers dahil sa sprained right ankle.

Nagdagdag si Tyrese Maxey ng 21 points at 5 assists, tumabo si Tobias Harris ng 20 points at kumalawit ng 8  rebounds at gumawa si Kelly Oubre Jr. ng 16 points.

Nanguna si DeMar DeRozan para sa short-handed Bulls na may 16 points habang nag-ambag si Ayo Dosunmu ng 15 at tumapos si Coby White na may 14. Nagtala si Andre Drummond ng double-double na 11 points at  17 rebounds.

Grizzlies 106, Spurs 98

Umiskor si Ja Morant ng  26 points, 13 dito ay sa  fourth quarter, at nagbigay ng 10 assists at nadominahan ng Memphis Grizzlies ang huling  20 minuto tungo sa panalo laban sa bisitang San Antonio Spurs.

Pinutol ng Grizzlies ang three-game losing streak habang nalasap ng San Antonio ang ikatlong sunod na kabiguan.

Nagdagdag si Desmond Bane ng 24 points para sa  Memphis, habang nakalikom si Santi Aldama ng 13 points at  11 rebounds, gumawa si Luke Kennard ng 12 points at nagsalpak si Jaren Jackson Jr. ng  10.

Nanguna si Victor Wembanyama para sa  Spurs na may 20 points. Gumawa si Keldon Johnson ng 19 mula sa bench, nagtala sina Julian Champagnie at Jeremy Sochan ng tig-12, nagbuhod si Devin Vassell ng 11 points at nagdagdag si  Blake Wesley ng 10.

Thunder 127,

Celtics 123

Nagpasabog si Shai Gilgeous-Alexander ng  36 points at pinutol ng Oklahoma City ang six-game winning streak ng Boston.

Naging dikit ang laban ng dalawa sa top teams ng liga kung saan nakipagsabayan ang  youthful line-up ng Thunder sa  Celtics, na nangunguna sa  NBA’s Eastern Conference.

Ang mga puntos ni Gilgeous-Alexander ay nagmula sa 14-of-22 shooting, at nagdagdag ang talented point guard ng 8 rebounds at 6 assists sa gabing limang  Thunder players ang tumapos sa double figures.

Nagdagdag si Australia’s Josh Giddey ng  23 points habang kumana si Jalen Williams ng 16 at nagposte si Chet Holmgren ng 14. Nag-ambag si Isaiah Joe chipped ng 10 mula sa  bench para sa Thunder na nahila ang kanilang sariling winning-streak sa limang laro.

“Those guys have been to multiple conference finals, won plenty of basketball games and they have the best record in the league,” sabi ni Gilgeous-Alexander patungkol sa Boston.

“We knew it was going to take a whole game if we wanted to beat them. No matter how big the lead, we knew they weren’t going to lie down.”