BULLS SINUWAG ANG CELTICS

UMISKOR si Zach LaVine ng season-high 36 points upang pangunahan ang Chicago Bulls sa 117-108 upset victory laban sa NBA champion Boston Celtics nitong Huwebes.

Si LaVine ay kumana ng 11-of-19 mula sa floor at nagsalpak ng anim na 3-pointers habang nagdagdag ng 6 rebounds at 4 assists para sa Bulls, na umangat sa 13-15 sa season.

“We’re a good team,” wika ni LaVine. “We’re competitive and we’re a resilient group.”

Nag-ambag si Ayo Dosunmu ng 17 points para sa Bulls habang kumabig si Nikola Vucevic ng 16 points at 14 rebounds para sa Chicago.

Na-outscore ng Bulls ang Boston, 35-22, sa fourth quarter upang pataubin ang Celtics, na nakakuha ng 31 points at 10 rebounds mula kay Jason Tatum, 20 points kay Kristaps Porzingis at 19 kay Jaylen Brown. Nahulog ang Boston sa 21-6 sa season.

Samantala, binura ni LeBron James ang NBA all-time minutes played record na tangan ni Kareem Abdul-Jabbar noong maglaro siya para sa kanyang 57,447th minute ng NBA competition at 10th ng laro nang tulungan ang Los Angeles Lakers na payukuin ang Sacramento, 113-100.

Si James, nalagpasan si Abdul-Jabbar para sa NBA all-time scoring record sa kaagahan ng taon, ay kumamada ng 19 points habang tumabo si Austin Reaves ng 25 points at nagdagdag si Anthony Davis ng 21 points at 20 rebounds.

“It’s just a commitment to the craft and to the passion and love I have for the game,” ani James. “I don’t take much time in the off-season, a little bit more time now.”

Sa iba pang laro, nagpasabog si French star Victor Wembanyama ng 42 points upang pangunahan ang San Antonio Spurs sa 133-126 overtime win kontra bisitang Atlanta.

Bumanat ng dunk si De’Andre Hunter, nanguna sa Hawks na may 27 points mula sa bench, may 11 segundo ang nalalabi, upang makatabla ang Atlanta sa 120-120 at maipuwersa ang overtime, kung saan kumana si Wemby ng dunk at dalawang 3-pointers upang ma-outscore ang Atlanta.

Umiskor si Shai Gilgeous-Alexander ng 35 points upang pagbidahan ang Western Conference-leading Oklahoma City Thunder sa 105-99 panalo sa Orlando.

Nanguna si Anthony Black para sa Magic na may 23 points mula sa bench.

Samantala, tinambakan ng Memphis ang bisitang Golden State Warriors, 144-93, subalit nawala sa kanila si guard Ja Morant dahil sa back soreness makaraang bumagsak matapos maglaro sa loob lamang ng 17 minuto.

Nagbuhos si Spanish forward Santi Aldama ng 21 points at 14 rebounds mula sa bench upang pangunahan ang Grizzlies, na gumawa ng club-record 27 3-pointers sa 48 attempts.

Nagtala si New York’s Karl-Anthony Towns, binigyan ng ovation ng fans sa kanyang pagbabalik sa Minnesota makaraang ma-trade, ng 32 points at grabbed 20 rebounds upang pamunuan ang Knicks kontra host Timberwolves. 133-107.

“I’m just happy I was able to have the game I had,” sabi ni Towns.

“I’m just happy our team could get a win. I called this place home for nine seasons. This place means a lot to me… I didn’t want to let my emotions overcome the game. I wasn’t playing for myself. I was playing for the win.”

Sa Houston, umiskor si Jalen Green ng 34 points at nagdagdag si Dillon Brooks ng 26 upang pangunahan ang host Rockets kontra New Orleans, 133-113.

Sa Dallas, tumapos si Norman Powell na may 29 points at nagdagdag si James Harden ng 24 upang tulungan ang Los Angeles Clippers sa 118-95 panalo laban sa host Mavericks

Sa Indianapolis, nakakolekta si Pascal Siakam ng 25 points at 18 rebounds upang pangunahan ang Indiana Pacers kontra Phoenix, 120-111, sa kabila ng 37-point performance ni Kevin Durant.