(Bumabangon para sa 2 anak) HOME MADE PEANUT BUTTER NG SINGLE MOM

SINGLE mother ang ating bidang small entrepreneur na nakilala natin habang nagtitinda sa kanyang munting puwesto sa Hernandez Street sa likuran ng Naga Peoples Market  sa Naga City, Camarines Sur

Si Alma na may dalawang anak, isang 17- anyos at 14-anyos, kap­wa mga babae ay solong nagtataguyod sa kanyang mga anak sa pagtitinda ng mga peanut butter, mantika, mga sahog at sibuyas, bawang at kung ano-ano pa sa harapan ng isang malaking bakery na Polanggi na pag-aari ng mag-asawang Tsino na pinayagan silang magtinda sa kanilang harapan kahit sa gilid lamang.

Aniya, malaking tulong ang pagtitinda sa bangketa dahil ito ang kanilang ikinabubuhay na mag-ina sapul nang iwan sila ng kanyang asawa na isang security guard

Sa bayan ng Sabang nakatira si Alma at malapit lamang ito kung saan siya pumupuwesto sa sentro ng lungsod kaya’t hindi siya hirap sa pagpunta at pagparito.

Marami-rami rin ang ating nakitang kostumer ng ating bida sa ilang sandaling nanatili tayo sa kanyang puwesto at hindi maikakailang maganda ang kanyang relasyon sa kanyang mga kostumer.

Sariling luto ni Alma ang kanyang mga peanut butter at mukhang masarap ito dahil mara­ming bumibili sa kanya.

Ayon pa sa ating bida  marami ring nagpapaluto sa kanya ng special orders na peanut butter lalo na iyong mga “diabetic” na ang hiling sa kanya ay bawasan ang asukal na kanyang inilalagay sa mga peanut butter.

Pinayuhan ko si Alma na gumawa ng sugar free na peanut butter dahil maraming mga healthy buffs saan man lalo na sa Naga City na lugar ng mga asendero at mga espanyol noong araw hanggang ngayon.

Bibili ang mga ito ng mga sugar free na peanut butter kahit pa mahal dahil ang mayayaman ay gustong mabuhay pa ng matagal dahil hindi nila maiwan-iwan ang kanilang kayamanan.

Ayon sa Bibliya, sabi ko kay Alma  “kung saan naroon ang kayamanan mo, naroon ang iyong puso kaya’t tiyak na magiging patok ang kanyang peanut butter na sugar-free kahit mahal pa ito dahil mahal naman ang mga kilalang sugar-free na asukal kung may por kilo man ito na nabibili.

Apat na taon na ang nakalilipas nang makita ko ang kanyang nakababatang anak na nakaupo sa gilid ng bangketa       aking tinanong ito kung mahal pa niya ang kanyang ama kahit iniwan sila ay hindi ito kumibo.

Maaaring naguguluhan pa ang bata dahil tiyak na mahal pa niya ang ama dahil ng tanungin ko siya ulit kung inalagaan siya nito noong maliit pa siya ay tumango ito.

Iisa lamang ang ibig sabihin ng bata na sariwa pa rin sa kanyang isip ang kabutihan ng kanyang ama ng mga panahong kasama pa nila ito subalit sa ekonomiya ng buhay kailangang tuloy lang ang agos upang manatili sa sirkulasyon.

Hindi maaaring magpatalo si Alma sa mga pangyayaring hindi niya kontrol.  Ang tanging alam ng ating bida ay may negosyo siya at kumakain silang mag-iina at laging nakabantay ang Diyos sa kanila.

Walang pahinga si Alma sa pagtitinda, kahit linggo ay naglalatag pa rin sa kalsada ng mga paninda, may patutunguhan ang kanyang kasipagan dahil nakalaan iyon hindi para sa sarili lamang kundi para sa kanyang mga anak.

Magkagayunman, pinayuhan namin si Alma na magpahinga tuwing Linggo dahil araw na para sa Diyos na nagbibigay ng lahat ng ating panga­ngailangan at kalakasan.

Sinabi ko rin kay Alma na sa ekonomiya ng Diyos, kahit magsara ka ng Linggo at ibibigay niya ang benta na kaila­ngan mo sa mga dara­ting na araw, sobra pa sa iyung kailangan. Magsara ka man ng linggo ay hindi mawawala sa iyo ang iyong mga kostumer dahil hindi iyon hahayaan ng panginoon dahil mahal ka niya. BENJARDIE REYES

 

 

7 thoughts on “(Bumabangon para sa 2 anak) HOME MADE PEANUT BUTTER NG SINGLE MOM”

  1. 910925 554045Spot ill carry on with this write-up, I truly think this website requirements a fantastic deal far more consideration. Ill oftimes be once a lot more to see far a lot more, a lot of thanks that info. 415804

Comments are closed.