BAHAGYANG bumagal ang inflation batay sa Philippine Statistics Authority noong June.
Sa pagbagal ng inflation o bilis sa paggalaw ng bilihin, pinutol nito ang apat na sunod na matataas na porsyento.
Sa datos ng PSA, naitala lamang ang 3.7% na inflation nitong Hunyo na mas mababa sa 3.9% noong Mayo.
Ang pagliit ng inflation rate noong nakaraang buwan ay dahil sa mas mabagal na pagtaas sa inflation ng housing, water, electricity, gas, and other fuels, at transport.
Ibig sabihin nito, lumiit ang gastusin sa housing o pagpapagawa ng bahay, bayarin sa tubig, electricity, gas, at iba pang fuels index ay nag-ambag ng 65.8% sa pagbaba ng inflation rate noong hunyo.
Ang utilities index ay nagtala ng inflation na 0.1% mula 0.9% noong mayo.
Habang ang main contributor sa pagbaba sa utilities ay ang pagbabawas sa electricity costs.
Ang mga nabanggit ay mula sa datos na inaral ng pamahalaan.
Kung ordinaryong tao ang tatanunghin, isasagot na wala silang naramdaman at sa halip, ganoon pa rin ang gastusin nila.
Gayunman, may epekto ang mga nasabing pigura sa mga susunod na panahon dahil kahit sabihing hindi ito nararamdaman, mayroon pa rin itong magandang epekto sa consumer.
Ipagpasalamat pa rin natin ang good news na ito at sa susunod ay unti-unti itong mararamdaman gaya sa utility bills.