BATAAN – MAKARAAN ang apat na araw, natagpuan na ng pinagsanib na militar, pulis at mga tauhan ng Department of Environment and Natural Resources ang bumagsak na Cessna sa bulubunduking bahagi ng Hermosa.
Ayon kay Bataan Provincial Police Director, Sr. Supt. Marcelo Dayag, nakita ang crashed site ng two-seater Cessna C-152 training aircraft na pag-aari ng Fliteline Aviation School sa bayan ng Hermosa.
Ang nasabing eroplano ay unang iniulat na nawawala noong Pebrero 4 habang pabalik ng Plaridel, Bulacan.
Inihayag ni Dayag na agad silang nagkasa ng search operation matapos na matanggap ang report sa pagkawala ng naturang Cessna plane.
Ang Cessna plane ay natagpuan ng mga volunteer mula sa Quadcopter Philippines, isang drone group na tumulong sa paghahanap.
Nakita ang mga bahagi ng aircraft sa kabundukan ng Malapad na Bato, Gasak Mabiga Hulo.
Ang Cessna plane na may tail number 152 RPC 2724 ay sinasabing lulan ang kapwa Indian national na si Capt. Navern Nagaraja, instructor pilot, at student pilot na si Kuldeep Singh.
Ayon kayo Dayag, natumbok ang crash site ng magkasanib na puwersa ng pulisya, Philippine Air Force, Philippine Army at Metro Bataan Development Authority Rescue Group sa kabundukan ng Malapad na Bato. VERLIN RUIZ/ THONY ARCENAL
Comments are closed.