BUMBAY NAKALIGTAS SA PANANAMBANG

MAGUINDANAO DEL SUR – HIMALANG nakaligtas sa tiyak na kamatayan ang isang Indian national sa nangyaring pananambang ng hindi pa matukoy na mga suspek na naganap nitong Huwebes sa national highway sa lalawigang ito.

Batay sa report ang biktima na nagpapautang ay nagtamo ng minor injuries matapos tambangan habang nagmamaneho sa Barangay Labu-Labu sa Datu Hoffer Ampatuan.

Sa kabila ng tama ng bala sa braso, nagawa pa nitong makapagmaneho patungo sa Barangay Kauran, kung saan naman ito dinala ng mga sundalo sa ospital.

Hanggang sa kasalu­ku­yan ay patuloy naman ang isinasagawang follow up operation ng mga awtoridad upang mangalap ng impormasyon para sa pagkakakilanlan sa naturang suspek.

Kaugnay nito, patuloy naman na iniimbestigahan ng mga awtoridad pangyayari upang alamin ang tunay na motibo sa tangkang pagpaslang sa biktima.

EVELYN GARCIA