(Bumibiktima sa mga OFW) PAGGIBA SA LOAN SHARKS INAPELA SA PAMAHALAAN

Loan Shark

MAYNILA –  NANAWAGAN ang isang alagad ng Simbahan sa pamahalaan na magsagawa ng paglansag sa loan sharks na bumibiktima sa overseas Filipino workers (OFWs).

Nais din ni Bataan Bishop Ruperto Santos, na bigyan ng easy access ang mga OFW para sa loan sa OFW Bank.

Ginawa ni Santos ang pahayag makaraang mabulgar na nasa 1,400 na OFW passport ang nakumpiska ng awtoridad sa isang lending company.

Ang mga nakumpiskang pasaporte ay ginawang prenda o collateral ng mga nangutang na OFWs.

Si Santos ay pinuno ng Catholic Bishops Conference of the Philippines-Episcopal Commission for the Pastoral Care of Migrants and Itinerant People.

Naniniwala rin ang alagad ng Simbahan na dapat papanagutin ang mananamantala sa mga OFW sa pamamagitan ng pagpapautang. PILIPINO MIRROR REPORTORIAL TEAM

Comments are closed.