MAGKAKASUNOD na nagpasalubong kay kamatayan ang apat na Russian soldiers na sinasabing pinababalik ng kanilang kumander sa frontlines ng Ukraine war zone nitong nakalipas na Linggo.
Ayon sa Daily Mail, kabilang sa mga nag-suicide ay ang 25-anyos na Russian soldier na Mikhail Lyubimov na lumundag mula sa 10 palapag ng apartment ng kanyang nanay sa southern district ng Tsaritsyno, Moscow habang ang 46-anyos na si Vladimir Potanin ay naglaslas ng leeg gamit ang razor blade sa training facility.
Sa ulat ng Daily Mail, si Lyubimov ay dumaranas ng severe panic attacks at nagsimulang uminom ng alak matapos mag-leave at umuwi mula sa Ukraine war.
Nasaksihan ng kanyang ina na si Natalia ang paglundag ng kanyang anak mula sa ika-10 palapag ng apartment.
Isa pang 28-anyos na Russian soldier na hindi binanggit ang pangalan ay nag-suicide rin sa hindi nabatid na paraan habang sina Alexnder Ivanov, 57-anyos at Denis Revda, 33-anyos ay magkasunod na nagpasalubong kay kamatayan, isang linggo na makatanggap ng order at naka-schedule bumalik sa frontline ng Ukraine war.
Samantala, sa nakalipas na ulat ng RadarOnline.com, naisiwalat na pinapapatay ng mga Russian general at commander ang kanilang mga sundalo na tumatanggi sa kautusang bumalik sa war zone sa Ukraine.
Isa sa Russian soldier ang nagbunyag sa RadarOnline.com na sinumang sundalo na hindi sumunod sa order ay pinapatay sa harap mismo ng publiko kaya naman bumuo ng squadron of liquidators ang kumander para pagpapatayin ang tropa ng sundalo na tumatanggi sa utos na bumalik sa war zone. MHAR BASCO