CEBU – UPANG kontrahin ang inaasahang masikip na trapiko bunsod ng holiday rush, may alok na libreng sakay ang Department of Transportation (DOTr) sa mga komyuter sa Cebu City.
Sa isang advisory, ang free rides ay nagsimula kahapon hanggang sa Disyembre 24, mula alas-5:00 ng hapon hanggang alas-10:00 ng gabi.
Para sa Southern part ng Cebu City, isasakay ang mga pasahero mula sa BSP at ibababa sa Starmall.
Sa Norte naman, ang pick-up point ay sa Plaza Independencia at ang drop-off ay sa SM City Consolacion.
Ang free rides ay ginawa sa pakikipagtulungan ng Office of the Presidential Assistant for the Visayas, Land Transportation Office Region 7, at Land Transportation Franchising and Regulatory Board. PILIPINO Mirror Reportorial Team
Comments are closed.