BULACAN – TATLO katao kabilang ang isang pitong buwang buntis at kanyang kinakasamang anak ng Barangay Tanod ang nadakip ng Drug Enforcement Unit (DEU)ng Marilao police sa buy bust operation sa Northville, Barangay Lambakin, Marilao kamakalawa ng hapon.
Sa report ni P/Lt.Col.Amado Mendoza Jr., Chief of Police ng Marilao PNP kay P/Col. Emma M. Libunao, Acting Provincial Director ng Bulacan PPO, nakilala ang mga naarestong sina Roberto Villanueva, 48; ang buntis na Chrislyn Sanchez, 34, at kinakasama nitong si Elmer Abaril, 32, pawang nakatira sa Barangay Lambakin.
Bandang alas-5:00 ng hapon nang maglatag ng buy bust operation ang DEU Marilao matapos ang week-long surveillance sa mga suspek na in-ingungusong siyang source ng droga sa lugar kaya matiyaga itong sinubaybayan ng awtoridad hanggang magpositibo ang kanilang impormasyon.
Lalong pinatitindi ngayon ang drug war sa bayan ng Marilao dahil sa direktiba ni P/Col. Libunao base sa kautusan ni P/Brig.Gen.Rhodel Sermonia, Regional Director ng Police Regional Office 3(PRO3)at PNP Chief. MARIVIC RAGUDOS
Comments are closed.